Kinang

This is an unpublished poem for an election initiative by liberal arts alumni from a major university.


Sa ating paglalakbay
Nawa’y mayroong maging gabay
Na titindig at aalalay
Sa kaniyang kamanlalakbay

Kaya sa panahon ng pagpili
Ng magiging pinakamatayog na gabay
Nararapat na tanglawin
Ang totoong kinang

Ngunit ano ba itong kinang
Na siyang kumukupas sa iba
Pinagpipilitan sa natitira
At itinatangi ng iilan?

Sa dalawang parte
Ng ating malalupang katawan
Lumalabas ang kinang
Na liligtas sa madla

Ang kinang mula sa isip
Ay hinuhubog ng panahon
Pinatatalas ng mga elementong
Hinubog rin ng panahon

Manipestasyon ang sustansya
Ng mga salitang binibitawan
Sa dalisay ng gabay
Sa lawak ng kaalaman

Ngunit ang kinang mula sa puso
Kailanma’y mahirap pekein
Kailanma’y madaling mapagtanto
Sapagkat ginto ang sinseridad

Pagdamay.
Pagkawanggawa.
Pagintindi sa mga nasa laylayan
Pagpapakita ng pusong bukal

Kaya ang gabay na kulang
Gabay na mangmang
O gabay na sa pagtulong ay hadlang
Nararapat manatili sa parang

Featured image is an artwork from Mocah Wallpapers.

Leave a comment